Transparency Seal


ISO 9001:2015 QMS

 


 
Visitors Counter
2.png4.png2.png9.png8.png1.png
Today876
This week5004
This month5004
Total242981

 
Calendar of Events
 
Like us on Facebook
 
Follow us on Twitter
 
Publications

       Annual Report 2015       Trailblazer Jan to Mar 2016 
 

DILG, Asia Foundation inilunsad ang LGU vs COVID PH information portal

Upang makatulong sa pagbibigay ng inspirasyon at impormasyon sa laban sa COVID-19, hinimok ng Department of the Interior ang Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na palakasin ang bagong lunsad na LGU vs COVID PH information portal na dinisenyo bilang plataporma ng pagbabahagi ng mga best practices at tamang impormasyon para sa mga LGUs.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, isang game changer ang kaalaman na isang mabisang kasangkapan laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng www.lguvscovid.ph. Aniya, dapat regular na bisitahin ng mga LGUs sa buong bansa ang naturang website bilang paraan para magpalitan ng kaalaman tungkol sa mga best practices na ginagawa ng ibang mga LGUs laban sa COVID-19.

"Ang kailangan natin para suungin ang krisis na ito ay sama-samang pagsisikap para mayroon tayong laban at ang LGU vs COVID PH website ang makakapagbigay sa mga LGUs ng mga latest guidelines at issuances na mula sa IATF at iba pang mga ahensya ng pamahalaan," sabi ni Ano.

"Dapat armado ang LGUs ng kaalaman. Para itong repository ng mga best practices, mga mahalaga at tamang impormasyon at inspirasyon na sana ay bigyan ng atensyon ng ating mga pamahalaang lokal," dagdag pa nito.

Ang LGU vs. COVID PH, ayon kay Ano, ay isang kolaborasyon ng DILG at The Asia Foundation, na inulunsad upang magkaroon ang mga LGUs ng mga updates, information, innovation at best practices laban sa COVID-19.

Sabi ni Año na inaasahan niyang gagamitin lagi ng mga LGUs ang mga impormasyon na makikita sa naturang website upang mapaglabanan ang pagkalat ng mga fake news, at maging kaagapay sa paglaban sa coronavirus, na nakikitang maaring umabot hanggang sa unang quarter ng taong 2021 o hanggang sa makatuklas ng gamot o vaccine. "Matagal-tagal pa po ito at ang paglaban sa Covid-19 ang dapat maging prayoridad ng mga local chief executives kaya sana ay makita nila ang LGU vs COVID PH bilang kakampi sa laban na ito," sabi pa nito.

"Iwas fake news din ang website na ito dahil ang impormasyon na nakalagay sa site na ito ay beripikado bago pa man ilabas dito," dagdag pa nito.

Makikita sa naturang website ang iba’t ibang opsyon na maaaring pagpilian patungkol sa impormasyon na kailangan mga LGUs tulad ng Medical Facilities, Resources/ Fund Utilization, Support for Frontliners, Transportation, Community Response, IEC Materials, and Relief and Assistance, bukod sa iba pa.

Ipinaliwanag pa nito na ang website ay maaaring mapagkukunan ng inspirasyon ng mga LGUs sa buong kapuluan sa pamamagitan ng mga feature stories na maaaring magpalakas ng morale nila upang labanan ang mga pagsubok dulot ng virus, "Kasama ng impormasyon, hangad din natin na ito ay maging source of inspiration para sa ating LGUs.”

Ang LGU vs COVID PH ay sinimulan nina Golda at Caryl Benjamin bilang isang google site pagkaraan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon kasama ang mga volunteers na sina Ron Rainier Reyes. Kristine Licup, Theresa Maymay at Leilani Solera.

Sa pamamagitan ng technical at financial support ng The Asia Foundation sa pakikipagtulungan ng DILG, ang website ay pinalawak at dinisenyo upang magkaroon ng mas malaking impact at malaki ang maging papel sa laban sa Covid-19.

Original Article at: https://dilg.gov.ph/news/DILG-Asia-Foundation-inilunsad-ang-LGU-vs-COVID-PH-information-portal/NC-2020-1118

 

Programs Portal

            

         LGU 201 Profile   

            
 
DILG Intranet

     DILG GovMail     DILG Central Intranet     DILG IV-A Records Tracking System

Featured Videos