Transparency Seal


ISO 9001:2015 QMS

 


 
Visitors Counter
2.png4.png2.png9.png6.png9.png
Today864
This week4992
This month4992
Total242969

 
Calendar of Events
 
Like us on Facebook
 
Follow us on Twitter
 
Publications

       Annual Report 2015       Trailblazer Jan to Mar 2016 
 

DILG: 1,265 LGUs natapos ang SAP payout sa itinakdang deadline

May 1,265 local government units (LGUs) sa buong bansa ang umabot sa May 10 deadline na itinakda ng gobyerno upang magpamigay ng unang ayuda ng emergency cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

"Nakakasiguro ako na malaki ang pasasalamat ng inyong mga constituents sa inyo dahil natanggap na nila ang ayudang inilaan ng gobyerno para sa kanila," sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año.

"Subali't hindi pa tapos ang inyong trabaho. Mayroon pang pangalawang ayuda at ako ay umaasa na ito ay mas magiging maayos, mabilis at mas epektibo ngayon dahil sa inyong mga natutunan sa pamimigay ng unang ayuda," dagdag nito.

Ayon kay Año, ang overall national payout rate sa unang tranche ay 90.86% hanggang 11:59 ng gabi ng May 10. Sinabi pa nito na ang hindi nakaabot sa deadline ay maaari pang magpamigay sa kanilang mga nasasakupan hangga't hindi pa pinapasoli ng DSWD ang pondo para dito.

Ang limang rehiyon na may pinakamataas na payout ay ang CARAGA na may 100% payout rate kasunod ang Bicol Region na may 99.96%, pumapangatlo ang SOCCSKSARGEN na mayroong 98.92%, kasunod ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may 96.8% at Zamboanga Peninsula na may 96.47%.

Ang Central Luzon ay nakapag-rehistro ng 95.35%, sinusundan ng Ilocos Region na may 95%; Cagayan Valley, 92.82%; MIMAROPA, 92.06%; Northern Mindanao, 90.13%; Western Visayas, 88.77%; Eastern Visayas, 85.28%; National Capital Region (NCR) na mayroong 85.13%; CALABARZON, 82.7%; Central Visayas, 80.45%; at Davao Region na mayroong 74%.

"Sa performance ninyo, makikita ang kalidad ng inyong pamumuno. Isang saludo sa mga local chief executives na nagsagawa ng maayos na pamimigay ng social amelioration program cash subsidy sa mga karapat-dapat at nangangalaingang pamilya. Kung paano kayo nagsilbi sa panahon ng Covid-19 ay tatatak sa isipan ng mga taong inyong pinangakuang pagsilbihan," sinabi niya nitong Lunes.

Hinikayat ni Año ang 1,265 LGUs na kumpletuhin ang liquidation report ng unang bahagi ng implementasyon ng cash aid. Kasama na dito ang kinakailangang encoded list ng SAP beneficiaries ng mga LGUs na inilalagay rin ng DSWD sa kanilang mga websites.

Sinabi ng DILG Chief na ang Kagawaran ay mag-uumpisa nang magpalabas ng show cause orders sa mga LGUs na may poor performance sa pamamahagi ng emergency subsidy. "Ang show cause order na ipapalabas para sa mga LGUs ay hindi lamang dahil sa pananagutan nila sa DILG kundi sa kanilang mga nasasakupan. Kailangan nilang ipaliwanag kung ano-ano ang mga problema't balakid kung bakit 'di sila umabot sa deadline," sabi nito.

Sa 1,265 LGUs na nakakumpleto ng payout, 70 ay mula sa CAR; 120 sa Ilocos Region: 59 sa Cagayan Valley: 107 sa Central Luzon: at 112 sa Bicol Region.

Sa Western Visayas, 129 LGUs ang nakakumpleto ng payout, 88 sa Central Visayas, at 126 sa Eastern Visayas, 72 sa Zamboanga Peninsula, 88 sa Northern Mindanao. 36 sa Davao Region, 45 sa SOCCSKSARGEN at 73 sa CARAGA.

SAP payout sa Metro Manila

Samantala, ayon kay DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan E. Malaya, ang NCR ay may regional pay-out rate na 85.13% kaninang hatinggabi. Ang Caloocan City ang may pinaka-mataas na pay-out rate na 99%.

"Batid ng DILG na ang hirap na dinaranas ng LGUs sa Metro Manila ay dahil sa maraming tao dito na siya ring pinakasentro ng Covid-19 sa bansa. Ang ating mga LGUs ay sabay-sabay na ginagampanan ang kanilang mga gawain katulad ng pagsasagawa ng lockdown, pagpapanatili ng peace and order, contact-tracing, isolating at pagmomonitor sa covid cases, kaya't alam namin ang hirap na kanilang ginagawa," sabi pa nito.

"Ganunpaman, hinihikayat namin sila na madaliin ang pagkumpleto ng pamamahagi ng ayuda sapagka't kailangang-kailangan na ito ng kanilang mga constituents,” sabi ni Malaya.

Original Article at: https://dilg.gov.ph/news/DILG-1265-LGUs-natapos-ang-SAP-payout-sa-itinakdang-deadline/NC-2020-1146

 

Programs Portal

            

         LGU 201 Profile   

            
 
DILG Intranet

     DILG GovMail     DILG Central Intranet     DILG IV-A Records Tracking System

Featured Videos