Transparency Seal


ISO 9001:2015 QMS

 


 
Visitors Counter
2.png4.png2.png9.png9.png1.png
Today886
This week5014
This month5014
Total242991

 
Calendar of Events
 
Like us on Facebook
 
Follow us on Twitter
 
Publications

       Annual Report 2015       Trailblazer Jan to Mar 2016 
 

DILG: Ipasasara ang mga malls kung lalabag sa physical distancing rules, ipatutupad pa din ang curfew

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government sa lahat ng mga mall ngayon na nagsimula na ng kanilang limitadong operasyon sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine na ipasasara sila ng lokal na pamahalaan o ng Philippine National Police kung hindi nila mahigpit na ipatutupad ang physical distancing at kokontrolin ang pagpasok ng mga tao tulad ng itinatakda sa Omnibus Guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Inatasan ni DILG Secretary Eduardo M. Año ang lahat ng LGUs at ang Joint Task Force COVID Shield sa ilalim ni PLtGen Guillermo Eleazar na inspeksyunin ang lahat ng mga mall at kausapin ang mga mall management hinggil sa kanilang pagtalima sa DOH Minimum Health Standards at Quarantine Protocols.

“Lahat ng Chiefs of Police at PCP Commanders ay dapat ikutin ang mga mall bago magbukas at habang ito ay nakabukas. Kung hindi makakasunod ang mga malls sa minimum health standards, ipasasara ng PNP ang mga malls at kakasuhan ang mga may-ari nito ng paglabag sa Bayanihan to Heal As One Act,” aniya.

Sinabi rin niya na ang lahat ng mga checkpoints ng PNP ay mananatili sa lahat ng mga lugar na nasa ilalim pa din ng community quarantine, maging ECQ, MECQ, GQC o MGCQ. “Ang general rule ay patuloy na 'manatili sa bahay' maliban kung lalabas para sa essential services o magtatrabaho sa mga pinahihintulutang mga industriya. Ang mga mapapatunayang lumabag ay papatawan ng multa, bibigyan ng citation tickets, o makukulong kung tatanggi silang umuwi sa kanilang bahay.” aniya.

Sinabi ng pinuno ng DILG na kahit maraming sasakyan sa kalsada dahil sa pagbubukas ng ibang industriya, hindi ibig sabihin na ang PNP ay hindii maghihigpit sa pagpapatupad ng batas. “Samakatuwid, ang lahat ay dapat magdala ng government-issued ID Cards o mga ID sa kompanya o iba pang mga patunay ng pagtatrabaho sa mga pinahihintulutang mga industriya, nang sa ganun may batayan ang PNP na payagan silang dumaan,” sabi niya.

Sinabi rin niya na magkakaroon ng mobile checkpoints sa ibang mga lugar upang matiyak ang pagsunod sa mga regulasyon sa community quarantine.

“Ipagpapatuloy din ng mga LGUs ang pagpapatupad nila ng curfew sa kani-kanilang mga lugar sang-ayon sa mga probisyon ng kanilang mga ordinansa,” aniya.

Nilinaw din niya na dahil sa ang community quarantine ay nakataas pa din sa buong bansa, ang mga barangay at LGUs ay patuloy na magbibigay ng Quarantine Passes upang makontrol ang paglabas ng mga tao puwera na lang ang may valid exemption na iginawad ng IATF.

Original Article at: https://dilg.gov.ph/news/DILG-Ipasasara-ang-mga-malls-kung-lalabag-sa-physical-distancing-rules-ipatutupad-pa-din-ang-curfew/NC-2020-1154

 

Programs Portal

            

         LGU 201 Profile   

            
 
DILG Intranet

     DILG GovMail     DILG Central Intranet     DILG IV-A Records Tracking System

Featured Videos