Transparency Seal


ISO 9001:2015 QMS

 


 
Visitors Counter
1.png4.png0.png8.png6.png7.png0.png
Today760
This week4845
This month20935
Total1408670

 
Calendar of Events
 
Like us on Facebook
 
Follow us on Twitter
 
Publications

       Annual Report 2015       Trailblazer Jan to Mar 2016 
 

Duterte, Año to all mayors, govs:  Intensify war against drugs, corruption, communist terrorism

 

 

Isang araw matapos ang kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), personal na pinulong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga pinuno ng mga pamahalaang lokal sa bansa at binigyang-diin ang kanyang ipinag-utos na paigtingin ang laban kontra sa iligal na droga, korapsyon, at communist terrorism.

Pitumpu't-apat na punong lalawigan at 1,538 na punong lungsod at bayan ang narinig mismo sa Pangulo sa pagpupulong na inorganisa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Maynila noong Martes.

"Inaatasan ko ang bawat isa sa inyo na protektahan ang inyong mga nasasakupan at ang kaligtasan ng mga pamayanan sa pamamagitan ng pag-iwas na madawit sa iligal na droga. Hindi ko papayagan ang alin mang komunidad na sakupin ng droga. Anong laban ng mga ordinaryong mga tao kung mismong mga mayor at gobernador ang naglalaro (may kinalaman sa droga)?," sinabi niya sa mga pinuno ng pamahalaang lokal.

Pinaalalahan niya ang mga pinuno ng mga pamahalaang lokal na labanan at tanggihan ang korapsyon sapagkat sinisira nito ang moralidad ng lipunan. "Linisin natin ang pamahalaan. Tayo ay mga manggagagawa ng pamahalaan, kaya ginagawa natin ang tama."

Inulit din niya ang kanyang kautusan kay DILG Secretary Eduardo M. Año na magsampa ng kasong administratibo laban sa mga pinuno ng pamahalaang lokal na hindi susunod sa tamang oras ng pagpoproseso na itinatadhana ng Ease of Doing Business Act.

“Irelease na agad ang clearance o permit. ‘Wag pabalik-balikin. Inaatasan ko si Secretary Año na sampahan ng kasong administratibo o magmungkahi para sa kanilang suspensyon. Susuportahan ko yan," ani Pangulong Duterte.

Samantala, hinikayat niya ang mga pinuno ng pamahalaang lokal na tumulong sa laban ng pamahalaan kontra sa mga komunismong terorista sa kanilang mga nasasakupan. "Huwag ninyong suportahan ang NPA (New People's Army). Huwag kayong magbigay ng pera sa NPA o alin man sa kanilang front organizations. Kung gusto mo tawagan mo ako, ako ang pupunta doon sa kanila,” aniya.

Sinabi ni Duterte na itataas niya ang patong sa ulo upang madakip ang mga teroristang nasa likod ng brutal na pagpaslang sa apat na pulis sa Ayungon, Negros Oriental noong nakaraang Huwebes ng mga miyembro ng NPA.

Ang mga napatay na pulis na sina Cpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callo, Pat. Roel Cabellon and Pat. Marquino de Leon ay mga intelligence personnel mula sa 704th Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion ng Philippine National Police (PNP) sa Gitnang Visayas.

"Ngayong araw, maglalaan ako ng P2-milyon para sa mabilis na pagkakadakip sa mga nasa likod ng insidente sa Negros. Hindi ninyo (mga rebelde) dapat tino-torture ang mga tao na 'di makalaban," aniya.

Nagbabala din siya laban sa violent extremism. “Talagang madugo ito. Ipag-uutos ko sa Armed Forces na lusubin ang Basilan, Tawi Tawi, Sulu, kung kinakailangan.”

Tiniyak din ng Pangulo sa mga lokal na pinuno na ang layon niyang paunlarin ang buong bansa. "Magiging patas ako sa pagkakaloob ng budget. Basta ako patas lang. Hindi ko iyan pera. Pera yan ng taong bayan. Gusto ko kayong maging mga kakampi at kaibigan. Wala akong hihilingin sa inyo. Sa larangan ng pulitika, hindi niyo ako kalaban. Hindi na ako makakatakbo pa. Maging magkakaibigan tayong lahat. Tinitiyak ko sa inyo na kayo ay may pamahalaan ka kasangga ninyo sa paghahangad ng makahulugan at may dignidad na pamumuhay para sa inyong mga nasasakupan."

Pagpapaalala sa mga tungkulin

Sa nasabi ding pagpupulong, kinausap ni Año ang mga pinuno ng pamahalaang lokal at hinimok silang sumunod sa mga atas ng Pangulo para sa kapakanan ng bansa.

“Sa SONA ng ating Pangulo, narinig na natin ang utos niya sa ating mga pamahalang lokal na dapat ay tatlong araw lamang ang pagpoproseso ng permits. Tulungan natin ang Pangulo na matupad niya ang kanyang pangako na tapusin ang red tape, muling makuha ang tiwala ng mga mamumuhunan, at maghikayat ng competitive business environment,”aniya.

"Matibay ang hangarin ng ating pamahalaan na proteksyunan ang ating mga pamayanan. Ang terorismo ay patuloy na nagiging banta sa ating kaligtasan. At ngayon, mas naging matapang, agresibo, at walang takot sila. Alam natin ang nangyari sa Marawi. Huwag ninyong hayaan na mangyari ito sa inyong sariling mga pamayanan," dagdag pa niya.

Binaggit din ng DILG Chief na ang administrasyon ay buo ang suporta sa pagsugpo sa Communist insurgency. "Ang National Task Force (NTF) to End Local Communist Armed Insurgency (ELCAC) ay ang pundasyon sa laban na ito. Ang hard approach ay sa pamamagitan ng militar, pulis, at iba pang tagapagpatupad ng batas. At sa pagsuporta ninyo sa kanilang operasyon, hinihikayat ko kayo na pangunahan naman ang soft approach sa pamamagitan ng pagsasagawa ng localized peace talks, at pagpapatupad ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Kami ay nagsasagawa ng serye ng provincial action planning workshops, at bilang mga pinuno ng inyong sariling mga local task force, hinihimok ko kayo na pangunahan ang proseso - mula sa pagpapaplano at pagpapatupad."

Upang labanan ang iligal na droga, kriminalidad at korapsyon, nagpaalala si Año na may mekanismo na maaaring gamitin, partikular ang Emergency 911 at Hotline 8888. “At bilang pinuno ng inyong mga lokalidad, siguraduhin niyong agad na maaaksuyunan ang mga reklamong natatanggap sa mga platapormang ito.”

"Bilang mga 'little presidents' ng inyong nasasakupan ay mayroon ding katumbas na responsibilidad. Gamitin ninyo ang inyong impluwensya upang hikayatin ang inyong sangguniang panlalawigan, panlungsod at pambayan na magpatibay ng ordinansa upang ma-localize ang mga pambansang batas na tutugon sa mga mabibigat na isyu. At ayon na din sa mandato ng Local Government Code, gamitin ninyo ang inyong pamumuno upang himukin ang inyong mga nasasakupan na suportahan kayo sa inyong paglalakbay tungo sa pagbabago at mabuting pamamahala," aniya.

 

Original Article at: https://www.dilg.gov.ph/news/Duterte-Ao-sa-mga-mayor-gob-Paigtingin-ang-laban-kontra-droga-korapsyon-communist-terrorism/NC-2019-1183

Programs Portal

            

         LGU 201 Profile   

            
 
DILG Intranet

     DILG GovMail     DILG Central Intranet     DILG IV-A Records Tracking System

Featured Videos